Sa ikalawang magkasunod na taon, magsasagawa ang Philippine Basketball Association (PBA) ng panibagong special draft para sa Gilas Pilipinas prospects.
Ito ay upang magkaroon ng malalim na pool of talents na maaaring magamit para sa National Five for World Cup 2023.
Sinabi ito mismo ni Samahang Basketbol Pilipinas (SBP) President Al Panlilo matapos ang board meeting ng PBA.
Matatandaan na noong nakaraang taon, limang manlalaro ang ipinahiram sa Gilas program: sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi at ang kambal na sina Mike at Matt Nieto.
Gayunman, sinabi ng SBP na hindi pa ito nakakapagdesisyon sa kung ilang manlalaro ang nais nitong bunutin mula sa 97 na aplikante na nais na lumahok sa annual proceedings na gaganapin sa Marso 14.