Photo Credit: Christopher Bong Go Facebook
Nagsagawa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng aerial inspection sa Marikina, Rizal Province at bahagi ng Metro Manila para i-assess ang pinsalang dulot ng Bagyong Ulysses.
Kaugnay nito ay naglabas ng mga larawan si Senator Christopher “Bong” Go kasama si Pangulong Duterte sakay ng helicopter.
Sa ibinahaging footage ni Go, makikita ang maraming bahay na lubog sa baha dulot ng bagyo.
Inihayag naman ng Malakanyang na ang aerial inspection ng pangulo ay isinagawa matapos ang nilahukang virtual 37th ASEAN Summit.