Idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa state of calamity ang buong Luzon.
Ito’y kasunod ng matinding pinsalang iniwan ng sunud-sunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses sa malaking bahagi nito.
Sa isinagawang public address ni Pangulong Duterte, sinabi nito na nilagdaan niya ang mga dokumentong naglalagay sa buong Luzon sa state of calamity.
Sa ilalim ng state of calamity, maaari nang magamit ng mga local government unit o LGUs ang kanilang Quick Response Fund para sa pagtugon sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Una rito, inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang deklarasyon ng state of calamity sa Luzon dahil sa matinding pinsala ng mga nagdaang kalamidad.