Sa kabila ng epekto ng COVID-19 at matinding pagbaha sa rehiyon, panibagong wave ng locust ang nagbabanta sa milyon milyong magsasaka.
Ayon sa assessment ng Food and Agriculture Organization, nasakop na ng locust ang 11 na estado sa Kenya at ngayon ay papunta na ang mga ito sa coastal part ng bansa at Tanzania.
Kaugnay nito, ngayong taon ay nasira na rin ng mga locust ang farmlands sa Ethiopia at Somalia.
Samantala, ayon sa UN Food and Agriculture Organization (FAO), ubos na ang pondo para labanan ang locust swarm sa East Africa.
Sinabi ng UN na nagpasimula na ang aerial at ground spraying nito mula pa noong unang invasion ng mga locust noong Enero 2020.