KINUKWESTYON ni Atty. Larry Gadon ang legalidad at prosesong pinagdaanan ng Republic Act No. 6639 na nag-atas sa pagpalit ng pangalan ng pambansang paliparan ng bansa.
Sa ilalim ng batas, nabago ang pangalan ng Manila International Airport sa Ninoy Aquino International Airport na isinunod sa
pangalan ni dating Senador Benigno Aquino.
Sa naging panayam ng SMNI News, ipinunto ni Gadon na hindi
naman aniya dumaan ang batas sa tamang proseso.
Iginiit pa ng labor expert na hindi rin kwalipikado sa ilalim ng
Konstitusyon na maipangalan kay Aquino ang naturang paliparan.
Kamakailan nang naghain ng petisyon si Atty. Larry Gadon sa
Supreme Court na layong ipawalang bisa o gawing null and void
ang Republic Act No. 6639 at ibalik ang dating pangalan ng
pambansang paliparan sa Manila International Airport.