Opisyal nang pinasinayaan at binuksan ang pang-siyamnapu’t dalawang Malasakit Center sa Benguet General Hospital.
Ayon kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, target ng Malasakit Center ay upang hindi na magbayad pa ng hospital bill ang mga mahihirap na mga Pilipino.
Ani Go ang pondo ay magmumula sa apat na ahensya ng gobyerno gaya ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Social Welfare and Development, Department of Health at Philippine Health Insurance Corporation.
Aniya, kung kukulangin, maaaring magmula ang pondo nito sa financial allocation ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte papunta sa kanyang tanggapan bilang senador.
Dagdag pa ni Go, maglalaan naman ng 3 milyong piso kada buwan ang Office of the President at sampung milyong piso naman ang inilaan mismo ng opisina ni Senator Go para sa naturang center.