POSIBLENG mas mataas sa inaasahan ang kabuuang remittances ng bansa ngayong taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), unti-unti na ang pagganda ng pasok ng remittance sa bansa kung kaya maaring mas mababa sa initial forecast na 5% ang ibababa ng ating total cash remittance.
Batay sa tala ng BSP, mula Enero hanggang Agosto, umabot pa rin sa 19.285 bilyong piso ang kabuuang cash remittances na pumasok sa bansa.
Katumbas ito ng 2.6% lamang na pagbaba kumpara sa datos sa kaparehong panahon noong 2019. Pahayag ng ahensya, isa itong magandang balita para sa bansa at patunay na nakalagpas na tayo sa pinakamalalang lagay ng ating ekonomiya.