IPINAHAYAG ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na posibleng hindi maabot ng pamahalaan ang target na pababain ang antas ng kahirapan para sa taong 2021.
Ito ay sinabi ni Chua sa isinagawang Senate budget hearing kung saan dala umano ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Chua, maaring nasa 15.5 porsiyento hanggang 17.5 ang poverty incidence rate sa susunod na taon.
Ito ay mula aniya sa 16.7 porsiyento na poverty rate noong 2018.
Sinabi ni Chua na bago ang pandemya ay on-tract naman ang gobyerno o inaasahan nitong makakamit ang target na maibaba sa 14 porsiyento ang poverty incidence pero dahil sa pandemya ay nagkaroon ng temporary increase sa poverty rate.
Ang poverty incidence measurement ay ginagawa tuwing ikatlong taon.