Nagpahayag ang World Health Organization (WHO) na tutol ito sa pagtatakda ng age restriction sa COVID-19 Vaccination Program.
Paliwanag ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeysinghe, hindi nila ito inaabiso dahil dapat iprayoridad sa immunization ang pinaka-exposed at vulnerable sa virus.
Kabilang aniya dito ang mga pinaka-nakakatanda na mayroon mas mataas na mortality rate.
Sa katunayan aniya nasa 20% ng bakunang makukuha ng Pilipinas mula sa WHO-backed COVAX facility ay partikular na itatalaga sa nasabing grupo.
Ibinahagi rin nito na may ilang bansa na ang nagsimulang magkasa ng vaccination drive sa mga edad 90 pataas upang mapababa ang mortality.
Magugunitang inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na posible itong maglabas ng abiso laban sa paggamit ng Pfizer COVID-19 vaccine sa mga matatandang indibidwal kasunod ng pagkasawi ng 33 senior citizens sa Norway matapos mabakunahan.