PINALAWIG pa hanggang taong 2022 ang panahon na maaring kumuha ng contract of service (COS) at job order (JO) workers ang mga ahensiya ng gobyerno.
Ito ay sa bisa ng pinirmahang joint circular ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) na nagsasaad ng bagong patakaran sa COS at JO sa gobyerno na nakatakda sanang magtapos ngayong taon.
Batay sa circular, pinahihintulutan ang mga ahensya na muling kumuha ng panibagong COS/JO workers o kaya naman ay mag-renew ng kontrata ng mga existing worker hanggang Disyembre 2022.
Ayon sa DBM, isinagawa ang hakbang upang makatulong sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya at sa pangangailangan na rin ng mga ahensiya. Nilinaw naman nito na nakadepende pa rin sa pondo ng bawat ahensiya ang pagkuha ng karadagang COS at JO workers.