IGINIIT ni House Speaker Alan Peter Cayetano na may malaking mensahe ang paghalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mismong blast site nang naganap na kambal na pagsabog sa Jolo Sulu.
Ayon kay Cayetano, larawan ito ng nagluluksang ama dahil sa kagimbal-gimbal na insidenteng kumitil sa buhay at sumugat sa sundalo at sibilyan.
Giit pa ng lider ng Kamara ang pagmamahal ng pangulo sa mga Pilipino ang siyang dahilan kung kaya mahal na mahal ito ng taumbayan.
Nagpasalamat naman ang mambabatas sa ipinakitang malasakit ng pangulo na larawan ng totoong liderato lalo na ngayong panahon ng krisis.