Hiniling ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga residente na limitahan ang paggamit ng internet upang makagamit ng mabilis ang mga estudyante sa oras ng kanilang online classes.
Ayon kay Belmonte na sa pagsisimula ng blended learning system sa taong ito, kailangan ng mga estudyante ang malakas na internet connection para masiguro na makapag-attend ang mga ito sa kanilang klase.
Kabilang sa ginagamit na kapamaraanan ng Department of Education ay ang modular, online at blended classes para sa kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa COVID-19 virus.
Samantala, nagpaala ang alkalde sa mga opisyal ng barangay na ipagbawal sa mga residente ang pagka-karaoke ng sobrang lakas.
“Online classes are challenging not just for the students, but also for the teachers and parents who are helping them. That is why we appeal for cooperation from all residents and support the learning of the children,” ayon kay Belmonte.