Ipinaalala ng Food and Drug Administration (FDA) na kailangan ng reseta mula sa doktor sa pagbili ng Chinese traditional medicine na Lianhua Qingwen.
Paalala pa ni FDA Administrator Usec. Eric Domingo, maraming nagkalat na fake counterfeit kung kaya’t dapat hindi ito basta-bastang binibili kung saan lamang.
Mas makabubuti anito na kumonsulta muna sa mga doktor at huwag mag self-medicate at diagnose.
Dagdag pa ni Domingo, mas mainam kung ang bibilhing gamot ay mayroong English label upang masiguro ang kalidad at kaligtasan nito.
Noong Agosto nang aprubahan ang Lianhua Qingwen bilang panggamot sa mild symptoms ng COVID-19.