• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer
  • #
  • Home
  • Digital Archive
  • Advertise with Us
  • About Us
  • Contact Us
  • January 25, 2021

Pinas USA

The Filipino's Global Newspaper

  • Cover Stories
  • National
  • Feature
  • Fil-Am
  • Foreign
  • Opinion
  • Sonspeak
  • Health
  • Lifestyle
  • Sports
  • Showbiz
  • Fun Page
You are here: Home / Opinion / Paano binago ng millennials ang industriya ng pagkain
Opinion

Paano binago ng millennials ang industriya ng pagkain

Jonnalyn Cortez3 months ago

Gumawa ng ingay ang mga millennials sa pagitan ng pagsisimula ng mga bagong trend mula sa pananalita hanggang pananamit, lalo na nga sa pagkain.

Sa henerasyon na ito nagsimula ang mga food hub, banchetto, food market, samgyupsal, milk tea, at marami pang ibang food trends.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Technomic noong 2019, napag-alamang mas madalas na kumakain ang mga millennials sa labas kaysa sa bahay. Dahil dito, nagsimulang mabago ang industriya ng pagkain dahil sa mga millennials.

Mga paborito ng millennials

One-third ng agahan, kalahati ng tanghalian, at apat sa sampung hapunan ng mga millennials ay ginagawa nila sa labas. Madalas ito sa mga fast-food restaurants (85 porsyento), street-food carts (82 porsyento), cafeterias sa opisina (81 porsyento), at karinderya (80 porsyento). Malaking porsyento rin ang kumakain sa mga cafes na nagsisilbi ng mga espesyal na inumin, katulad ng kape at milk tea (76 porsyento), at mga baked na cake, tinapay, at iba pa (74 porsyento). Sinundan naman ito ng mga restaurants (74 porsyento) at vending machines (56 porsyento).

Halos lahat nga raw ng mga Pilipinong millennials (84 porsyento) ay gustong makasubok ng mga bagong pagkain at flavors. Apatnapu’t tatlong porsyento naman ang nagsasabing gusto nilang subukan ang mga bagong lugar na pwedeng kainan.

Walo sa sampung mga millennials ay gusto ang lutuing Pinoy at Amerikano. Anim sa sampu naman ang may gusto ng Korean at Japanese food, habang kalahati rito ay mas hilig ang Chinese cuisine.

Mas madalas din kumain ang mga Pilipinong millennials  sa labas kumpara sa ibang mga millennials sa buong Asya.

Pag-usbong ng food delivery

Ayon sa Word Text, nais ng mga millennials ng convenience pagdating sa pagkain. Sa katunayan, nang magsimula ang meal kit service sa Amerika noong 2007, naging $10-billion industry na to ngayong 2020, salamat sa mga millennials.

Ilan pa nga sa mga laging ginagawa ng mga millennials ay ang pag-order ng pagkain online o sa telepono. Sa ginawang Food and Health Survey ng International Food Information Council noong 2017, 55 porsyento ng millennials ay mas pinipili ang mas madaling bilhin na pagkain.  Tatlo sa sampung mga millennials ay nagte-take out ng pagkain o nagpapa-deliver.

Pagsikat ng organic at natural na pagkain

Gayunpaman, hindi dahil mas gusto ng mga millennials ng mabilisang pagkain ay wala na silang pakialam kung healthy o organic ito.

Bukod sa pagbago ng industriya ng pagkain, binago rin ng millennials ang kahulugan ng masustansyang pagkain. Imbes na mga low-fat foods, mas pinipili ng mga millennials ngayon ang mga natural, organic, locally-sourced, at sustainable na mga pagkain. Limampu’t dalawang porsyento o lagpas sa kalahati ng mga millennials ang kumakain ng gulay at organic na pagkain kumpara sa mga baby boomers.

Mas conscious din ang mga millennials kung saan gawa ang kanilang pagkain. Walumpung porsyento ang gustong malaman kung saan inani ang kanilang mga kakainin. Kaya nga naglabasan ang mga “locally-sourced” at “farm-to-table” na mga kainan at uri ng pagkain sa mga menu sa restaurants ngayon.

Food trend at social media

Syempre pa, bukod sa pagiging healthy, gusto rin ng mga millennials ma-experience ang mga bagong trend sa pagkain. Kung dati ay masaya na ang mga kabataan sa pizza at fries, ngayon, gusto na nila ng unique at customizable na mga pagkain. Ito rin ang dahilan kung bakit naglabasan ang iba’t-ibang uri ng mga pagkain mula sa mga flavors ng inumin hanggang sa mga iba’t-iba at pinaghalo-halong mga sangkap at rekado. Andyan ang avocado toast, tuyo pizza, matcha milk tea, DIY pizza, at marami pang iba.

Apatnapung porsyento ng mga millennials ay gustong sumubok ng iba’t-ibang pagkain kahit pa kumakain sila sa iisang restaurant lamang, ma-pa vegan food o cultural cuisines man ito. Mabenta rin sa millennials ang mga unique na design sa restaurant na maituturing na Instagrammable o Instagram-worthy.

Nasabi na rin naman ang Instagram, isa pa sa mga bumago ng industriya ng pagkain ngayon, dahil na rin sa mga millennials, ay ang paggamit ng social media. Hindi lamang ang lasa, uri, at kaibahan ng pagkain ang labanan ngayon para  sa mga millennials, kasama rin dito ang kakaibang experience na maaaring ipagmalaki sa social media. Ngayong henerasyon ding ito nagsulputan ang mga food reviews.

Pitumpu’t limang porsyento ng mga millennials ay mas kinukunsidera ang experience sa pagkain kaysa sa lasa o nourishment na taglay nito. Idagdag mo pa rito ang madalas na paggamit ng social media ng mga millennials, madalas silang gumawa ng food reviews online kahit lamang sa simpleng post na makakaimpluwensya o engganyo sa mga makakabasa.

Tunay ngang nabago ang industriya ng pagkain ngayon dahil sa mga millennials. Kahit pa ibang-iba ito kumpara sa mga nakaraang henerasyon, malaking tulong naman ang dala nito para sa naturang industriya.

Opinion

SUBSCRIBE TO PINAS USA — THE FILIPINO’S GLOBAL NEWSPAPER

To receive a digital copy of new PINAS USA issues, enter your name and email address below and click on the Subscribe button.

Latest News

Anong meron para kay Juan sa 2021?
Quincy Joel V. Cahilig 1 week ago
Bagong Taon, Bagong Pagasa
Jane Martin 7 days ago
Felix Manuel: Ms. Universe Pageant 2021 may be disrupted for the first time by covid-19
Marivir R. Montebon 7 days ago
Kauna-unahang artificial cornea transplant, isinagawa sa UAE
Shekinah Dequiña 7 days ago
Teknolohiya sa pagsulong ng Kalusugan
Eugene Flores 7 days ago
Disiplina sa pag-aaral ay tiyakin, tulungan silang gawin ang takdang-aralin
Ana Paula A. Canua 7 days ago
Mga ginawang bakuna, maari pa ring panlaban sa bagong strain ng virus mula sa UK ayon sa isang eksperto
Vic Tahud 7 days ago
America under siege
Perry Diaz 7 days ago
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, maaring umabot sa 800-K bago matapos ang 2021 — UP expert
Vic Tahud 7 days ago
Morisette Amon at BF na si Dave Lamar engaged na
Justine Nazario 7 days ago
The Absolute Glorification (Part 4)
Pastor Apollo C. Quiboloy 7 days ago
Andre Paras, pasok na sa 2021 PBA draft
Editorial Team 7 days ago

Thoughts? Add a comment below

Footer

PINAS USA - The Filipino's Global Newspaper
Address: 14533 Vanowen St., Suite B, Van Nuys, CA 91405
Phone: (909) 534-5465
Email: [email protected]

Quick Links

  • About Pinas USA
  • Advertise with Us
  • Digital Archive
  • Contact Us
  • Terms of Use and Privacy Policy

News Categories

  • Cover Stories
  • Feature
  • Fil-Am News
  • Foreign
  • Fun Page
  • Health
  • Lifestyle
  • National
  • Opinion
  • Showbiz
  • Sonspeak
  • Sports

News Archives

  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • March 2020
  • February 2020

Tags

2021 Budget Anti-corruption Anti-Terrorism COVID-19 DBM DENR Department of Agriculture DepEd Disaster Response DOH DOJ DOLE Donald Trump DOT DOTr DPWH DSWD DTI Dubai Duterte Administration Economy Good Vibes IATF Japan K-POP Leni Robredo Metro News NBA NDRRMC OFW PBA PDEA PhilHealth Philippines Tourism PNP Provincial News PRRD Russia South China Sulu Twin Bombings Technology Thailand United Kingdom West Philippine Sea WHO

Copyright © 2021 · Pinas USA — The Filipino's Global Newspaper · All Rights Reserved · Website Developed by NorthZen Media