TULOY na tuloy na ang pagbubukas ng liga ng Philippine Basketball Association (PBA) ngayong buwan ng Oktubre.
Tinatayang aabot sa 65 milyong piso ang maaaring ilalaan para sa bubble na itinakdang gagawin sa Clark, Pampanga habang patuloy na humaharap sa pandemya na COVID-19 ang bansa.
Sinabi ni PBA Board Chairman Ricky Vargas na kailangan maglabas ang liga ng milyun-milyong halaga para matugunan ang mga pangangailangan tulad ng tirahan at pagkain ng mga koponan.
Aniya, nakabawas din sa gastos ang nakuha nilang libreng testing kits na kailangan ng mga manlalaro bago sumabak sa liga.