• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer
  • #
  • Home
  • Digital Archive
  • Advertise with Us
  • About Us
  • Contact Us
  • January 25, 2021

Pinas USA

The Filipino's Global Newspaper

  • Cover Stories
  • National
  • Feature
  • Fil-Am
  • Foreign
  • Opinion
  • Sonspeak
  • Health
  • Lifestyle
  • Sports
  • Showbiz
  • Fun Page
You are here: Home / Other National News / P100-K credit assistance para sa OFWs, iminungkahi
Other National News

P100-K credit assistance para sa OFWs, iminungkahi

Melody Nuñez5 months ago

Senator Imee Marcos | Photo Credits: space.trendolizer.com

IMINUNGKAHI ni Senadora Imee Marcos na itaas ng gobyerno ang halaga ng credit assistance o loan program para sa mga Overseas Filipino Worker o OFW. 

Ayon kay Marcos, mula sa unang panukala, masyadong maliit ang P50,000 na halaga para sa nasabing programa para sa mga OFW. 

Panawagan nito na baka kayang itaas sa P100, 000 ang maaaring ibigay na loan sa mga manggagawa sa ibayong dagat. 

Mas mainam din ayon sa senador na gawin ang pagpapautang bago makaalis ng bansa ang OFWs o magkaroon ng pre-departure loan para sa kanila. 

Ayon naman kay OWWA Administrator Hans Cacdac maaaring gawin ng OWWA ang nasabing mungkahi pero hindi aniya dapat asahan na lahat ng OFW ay mabibigyan ng nasabing halaga para sa loan. 

Mungkahi ni Cacdac na maaaring idaan sa contest ang pagbibigay ng 100, 000 loan sa mga OFW. 

Aniya maaaring ang mga OFW na makakapagpresenta o makakapagpasa ng pinakamagandang business plan ang maaaring makakuha ng nasabing loan program. 

Pero ayon kay Cacdac, kung nasa 100,000 OFW ang mag-aaplay para sa contest ay nasa 10,000 lamang ang kanilang pipiliin. 

Samantala, kinumpira naman ni Cacdac na nasa P5 bilyon ang halagang inilaan ng DOLE para sa repatriation grant ng bansa para sa mga distressed OFW. 

Pagbibida naman ni Cacdac, na mula sa 10,000 na repatriation grant sa panahon ng dating administrasyon ay tumaas na ito ngayon.

Aniya nasa P20,000 na ang halaga  ng repatriation grant ang ibinibigay ngayon ng gobyerno sa bawat distressed OFW.

Other National News DOLE Hans Cacdac Imee Marcos OFW OWWA Repatriation Grant

SUBSCRIBE TO PINAS USA — THE FILIPINO’S GLOBAL NEWSPAPER

To receive a digital copy of new PINAS USA issues, enter your name and email address below and click on the Subscribe button.

Latest News

Anong meron para kay Juan sa 2021?
Quincy Joel V. Cahilig 1 week ago
Bagong Taon, Bagong Pagasa
Jane Martin 1 week ago
Felix Manuel: Ms. Universe Pageant 2021 may be disrupted for the first time by covid-19
Marivir R. Montebon 1 week ago
Kauna-unahang artificial cornea transplant, isinagawa sa UAE
Shekinah Dequiña 1 week ago
Teknolohiya sa pagsulong ng Kalusugan
Eugene Flores 1 week ago
Disiplina sa pag-aaral ay tiyakin, tulungan silang gawin ang takdang-aralin
Ana Paula A. Canua 1 week ago
Mga ginawang bakuna, maari pa ring panlaban sa bagong strain ng virus mula sa UK ayon sa isang eksperto
Vic Tahud 1 week ago
America under siege
Perry Diaz 7 days ago
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, maaring umabot sa 800-K bago matapos ang 2021 — UP expert
Vic Tahud 1 week ago
Morisette Amon at BF na si Dave Lamar engaged na
Justine Nazario 7 days ago
The Absolute Glorification (Part 4)
Pastor Apollo C. Quiboloy 1 week ago
Andre Paras, pasok na sa 2021 PBA draft
Editorial Team 1 week ago

Thoughts? Add a comment below

Footer

PINAS USA - The Filipino's Global Newspaper
Address: 14533 Vanowen St., Suite B, Van Nuys, CA 91405
Phone: (909) 534-5465
Email: [email protected]

Quick Links

  • About Pinas USA
  • Advertise with Us
  • Digital Archive
  • Contact Us
  • Terms of Use and Privacy Policy

News Categories

  • Cover Stories
  • Feature
  • Fil-Am News
  • Foreign
  • Fun Page
  • Health
  • Lifestyle
  • National
  • Opinion
  • Showbiz
  • Sonspeak
  • Sports

News Archives

  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • March 2020
  • February 2020

Tags

2021 Budget Anti-corruption Anti-Terrorism COVID-19 DBM DENR Department of Agriculture DepEd Disaster Response DOH DOJ DOLE Donald Trump DOT DOTr DPWH DSWD DTI Dubai Duterte Administration Economy Good Vibes IATF Japan K-POP Leni Robredo Metro News NBA NDRRMC OFW PBA PDEA PhilHealth Philippines Tourism PNP Provincial News PRRD Russia South China Sulu Twin Bombings Technology Thailand United Kingdom West Philippine Sea WHO

Copyright © 2021 · Pinas USA — The Filipino's Global Newspaper · All Rights Reserved · Website Developed by NorthZen Media