NAGPASALAMAT si Actor Oyo Sotto sa asawa nito na si Kristine Hermosa sa araw ng kaarawan nito.
Sa Instagram post ni Oyo ibinahagi niya ang mga throwback picture nilang mag-asawa bago pa sila ikasal.
Batay sa caption ng post sinabi ni Oyo na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil si Kristine ang napangasawa niya.
Dagdag pa nito na lubos siyang nagpapasalamat sa pasensya, at pagmamahal nito sa kanya at maging sa apat nilang anak.
Samantala, matatandaan na nag-isang dibdib ang dalawa noong 2011 sa Batangas.