Photo Credit: IBP
Maraming kuro-kuro patungkol sa Anti-Terror Law.
Ito ang naging pahayag ni Integrated Bar of the Philippines (IBM) National President at Chairman Atty. Domingo Cayosa sa panayam ng Sonshine Radio.
Kaugnay ito sa isinusulong nitong oral argument na sana’y isasagawa ng Korte Suprema patungkol sa mga petisyong inihahain laban sa Anti-Terror Law.
Nakakatulong ani Cayosa ang oral argument para mahimay ang isang batas gaya na lang kung may nilalabag ba ito sa Konstitusyon.
Sa huli, sinabi ni Cayosa na nakadepende pa rin sa Korte Suprema ang magiging desisyon patungkol sa anong hakbang ang gagawin nila sa Anti-Terror Law.
Samantala, dapat pinag-usapan ng University of the Philippines at Department of National Defense ang kanilang 1989 UP-DND accord kung may nagawang pagkukulang ang isang panig ayon kay Atty. Cayosa.
Iniyahag naman ni Cayosa na kahit nakalas ang nasabing accord, meron pa rin naman aniyang karapatan ang isang paaralan para mapangalagaan ang kanilang seguridad, academic freedom at freedom of expression.