• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer
  • #
  • Home
  • Digital Archive
  • Advertise with Us
  • About Us
  • Contact Us
  • April 20, 2021

Pinas USA

The Filipino's Global Newspaper

  • Cover Stories
  • National
  • Feature
  • Fil-Am
  • Foreign
  • Opinion
  • Sonspeak
  • Health
  • Lifestyle
  • Sports
  • Showbiz
  • Fun Page
You are here: Home / Lifestyle / Optismitikong partner sa buhay, nakatutulong sa kalusugan ng katipan
Lifestyle

Optismitikong partner sa buhay, nakatutulong sa kalusugan ng katipan

Jonnalyn Cortez1 month ago

Natuklasan sa isang bagong pag-aaral na ang pagiging positibo sa buhay ay nakakatulong sa kalusugan ng kanilang mga katipan na mag-aalis naman sa kanila sa panganib ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease, dementia at cognitive decline habang tumatanda.

Ayon sa assistant professor ng psychology at co-author ng pag-aaral ng Michigan State University na si William Chopik, marami sa atin ay madalas kasama ang ating mga katipan. Dahil dito, maaari nila tayong hikayatin na maging malusog, kumain ng tamang pagkain, uminom ng ating bitamina at mag-exercise upang lumakas ang ating katawan.

“When your partner is optimistic and healthy, it can translate to similar outcomes in your own life. You actually do experience a rosier future by living longer and staving off cognitive illnesses,” paliwanag ni Chopik.

Ang katipan na may positibong pananaw sa buhay ay maaari tayong hikayatin na magkaroon ng healthier lifestyle. Kapag ang ating asawa o boyfriend/girlfriend ay huminto sa paninigarilyo o nagsimulang mag-exercise, malamang na gagawin din natin ito.

Ilan sa mga risk factors ng maaaring pagkakaroon ng sakit, tulad ng Alzheimer’s disease o dementia, ay ang hindi pagkakaroon ng healthy lifestyle. Kaya naman, ang pagpapanatili ng tamang timbang at pagkakaroon ng mga pisikal na aktibidad ay maaari tayong ilayo sa mga mapanganib na sakit na ito. At kung may partner kang optimistic, tiyak makakatulong sila upang baguhin ang iyong mga dating nakaugalian at itama ito.

“There’s a sense where optimists lead by example, and their partners follow their lead,” dagdag ni Chopik.

Ayon sa mga mananaliksik, merong posibleng koneksyon ang pagiging kasal sa taong optimistic at pagpigil sa pagkakaroon ng cognitive decline dahil na rin sa pagkakaroon ng masayang kapaligiran sa loob ng bahay.

“While there’s some research on people being jealous of their partner’s good qualities or on having bad reactions to someone trying to control you, it is balanced with other research that shows being optimistic is associated with perceiving your relationship in a positive light,” wika ni Chopik.

Lifestyle

SUBSCRIBE TO PINAS USA — THE FILIPINO’S GLOBAL NEWSPAPER

To receive a digital copy of new PINAS USA issues, enter your name and email address below and click on the Subscribe button.

Latest News

Bakuna kontra COVID-19, nandito na
Quincy Joel V. Cahilig 1 month ago
Pagsumite ng authentication ng mga dokumento sa DFA, maari na sa online
Vic Tahud 1 month ago
Catching up with Ms. Lorli Villanueva
Editorial Team 1 month ago
Taiwan, maaaring sakupin ng China sa susunod na 6 na taon
Kriztell Austria 1 month ago
Pangalagaan at palakasin ang iyong isipan at mentalidad
Jane Trinidad 1 month ago
Optismitikong partner sa buhay, nakatutulong sa kalusugan ng katipan
Jonnalyn Cortez 1 month ago
Pangungutang ng ABS-CBN sa DBP, pasok sa plunder law — Rep. Defensor
Vhal Divinagracia 1 month ago
From exile to the halls of power
Perry Diaz 1 month ago
Misamis Oriental, nakatanggap ng 2-M ayuda para sa mga apektado ng ASF
Vic Tahud 1 month ago
TV host Piers Morgan, tuluyan nang umalis sa Good Morning Britain
Claire Hecita 1 month ago
The Absolute Glorification (Part 6)
Pastor Apollo C. Quiboloy 1 month ago
Yuka Saso, itinanghal bilang Athlete of the Year
Luis James 1 month ago

Thoughts? Add a comment below

Footer

PINAS USA - The Filipino's Global Newspaper
Address: 14533 Vanowen St., Suite B, Van Nuys, CA 91405
Phone: (909) 534-5465
Email: [email protected]

Quick Links

  • About Pinas USA
  • Advertise with Us
  • Digital Archive
  • Contact Us
  • Terms of Use and Privacy Policy

News Categories

  • Cover Stories
  • Feature
  • Fil-Am News
  • Foreign
  • Fun Page
  • Health
  • Lifestyle
  • National
  • Opinion
  • Showbiz
  • Sonspeak
  • Sports

News Archives

  • March 2021
  • February 2021
  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • March 2020
  • February 2020

Tags

2021 Budget Anti-Terrorism COVID-19 CPP-NPA-NDF DENR Department of Agriculture Disaster Response DOH DOJ DOLE Donald Trump DOT DOTr DPWH DSWD DTI Dubai Duterte Administration Economy FDA Good Vibes IATF Japan Joe Biden Leni Robredo LGU LTO Metro News NAIA NBA NDRRMC OFW PBA PhilHealth Philippines Tourism PNP Provincial News PRRD South China Sulu Twin Bombings Technology Thailand United Kingdom West Philippine Sea WHO

Copyright © 2021 · Pinas USA — The Filipino's Global Newspaper · All Rights Reserved · Website Developed by NorthZen Media