MAS pinaigting ngayon ng National Privacy Commission (NPC) ang privacy rules para sa mga online lending companies.
Ito ay kasunod ng mga isyu ng pag-access ng ilang online lending companies sa contacts ng kanilang kliyente.
Sa inilabas na bagong direktiba ng NPC, nakasaad na rin na bawal na ang pagkuha ng contact details ng mga kliyente tulad ng phone contacts at email list.
Tanging personal data lamang ang maari nito kuhain at gamiting requirements sa pagbibigay ng loans. Magugunitang halos 30 online lending companies ang ipinasara dahil sa pamamahiya at pananakot nito sa mga kliyente nilang hindi nakakapagbayad sa due date.