Mariing sinabi ni Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III na hindi pwedeng pilitin ang mga manggagawa na magpabakuna.
Ito ay kaugnay sa “no vaccine, no work” policy ng ilang kumpanya.
Sinabi ni Bello, isang diskriminasyon ang naturang hakbang at wala rin itong legal basis.
Hindi aniya pwedeng pilitin ang isang empleyado kung ayaw nitong magpabakuna dahil isa rin itong kampanya ng pamahalaan na may kalayaan ang publiko na pumili para sa kanilang sarili kaugnay sa bakuna.