Muling nagbabalik sa social media ang former Miss Universe Philippines 2020 candidate na si Sandra Lemonon.
Magugunita na naging maingay ang pangalan ni Sandra kaugnay sa isyu ng first Miss Universe Philippines.
Matapos nito ay nag-break muna sa social media ang dalaga.
Samantala, nitong January 25 nagpost ito sa kanyang instagram ng larawan na kuha sa isang beach sa Batangas.
May nagkomento dito na “pwede sa Miss Earth” at sinagot naman ni Sandra na “no more pageants for me love but thank you.”
May mga umangal naman sa naging sagot ni Sandra at sinabing huwag niyang isuko ang pangarap niya.