INANUNSYO ng Fujiyoshida sa Yamanashi prefecture ang unang pagpatak ng niyebe mula sa kilalang Mt. Fuji ng Japan ngayong taon.
Ayon sa siyudad, ang ulan ay naging niyebe dahil sa malamig na klimang nararanasan nito. Makikita na rin ang manipis na patong ng niyebe sa tuktok ng Mt. Fuji.
Samantala, ang pag ulan ng niyebe sa mga nakapaligid na lugar sa bundok ay mas maaga umano ng isang buwan kumpara sa nagdaang taon ayon sa meteorological agency ng Japan.
Kadalasang nananatili ang tag init sa Japan hanggang matapos ang Setyembre subalit ang average date naman ng pagporma ng niyebe sa bundok ay tuwing ika-tatlumpu ng Setyembre.
Kaugnay nito, umabot na sa mas mababa pa sa 20 degrees celsius ang temperatura ng ilang lugar sa Tokyo ngunit mas malamig na klima pa rin ang nararanasan sa mas matataas na lugar ng Yamanashi at Shizouka prefectures.