Parte sa new normal procedure ng Philippine National Police ang isinagawang pag-embalsamo muna bago pag-autopsy ng bangkay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ganito ipinaliwanag ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana sa panayam ng Sonshine Radio ang naging kontrobersyal na procedure sa pag-handle ng Dacera case.
Mas naging resonable rin ang ginawa na pag-embalsamo muna bago pag-autopsy dahil isang quarantine facility ang City Garden Grand Hotel sa Makati.
Posible ani Usana na naging carrier ng COVID-19 si Dacera kung kaya’t nararapat lang na gawin ito ng Makati Police.