Naalarma ang mga netizen sa kumakalat na larawan ng magdiwang ng 37th birthday si Raymond Gutierrez sa La Picara Restaurant sa Bonifacio Global City, Taguig.
Magugunita na noong January 21 pa ang kaarawan ni Raymond pero ngayon lamang nakita ang ilang larawang kuha mula sa party.
Makikita sa larawan na hawak-hawak ni Raymond ang cake habang napapalibutan ng maraming tao na walang social distancing.
Ayon sa mga netizens, iresponsable ang ginawa ni Raymond dahil kahit nagpa-PCR TEST sila, hindi parin tama na magkaroon ng mass gathering sa gitna ng pandemya.