Photo Credit: SATRENDING.PH
Tinawag na kalokohan ng Malacañang ang hashtag nasaan ang pangulo na isang online trend sa tuwing may kalamidad sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spox. Harry Roque, dapat ay itigil na ng oposisyon ang naturang pauso dahil hindi na dapat hanapin pa ang pangulo.Hindi naman aniya nawawala ang pangulo at palagi itong kapiling ng sambayanang Pilipino.Aniya,palaging iniisip ng pangulo ang kapakanan ng bansa.
Hindi rin aniya hamak na mas maliit ang casualties sa mga nagdaang bagyo dahil sa ginawang paghahanda ng pamahalaan kung ikukumpara sa nakaraang administrasyon.
Pagbibigay-diin pa ng kalihim, natutugunan at nagagampanan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at iba pang mga departamento ang mandato nito kung kaya’t hindi na kailangan pang mag-preside ang pangulo sa mga meeting.