LARAWAN MULA SA PCCO
NAGLABAS na ang Anti-Terrorism Council (ATC) ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Anti-Terror Act.
Ngunit may ilan na nagdududa sa nasabing IRR kung saan damaging at discriminating umano ang balak na pagpa-publish sa mga pahayagan ng pangalan ng mga mapapasama sa listahan kahit wala pang desisyon ang korte sa kaso.
Bunsod nito ay pinayuhan ng Malakanyang ang mga ito na dumulog sa Korte Suprema ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ani Roque, magkakaroon naman umano ng determinasyon bago mai-classify ang isang indibidwal bilang terorista.
Sa naturang proseso, kailangan aniya ang involvement ng buong Anti-Terrorism Council (ATC). Hindi umano nakasalalay sa iisang tao lamang ang klasipikasyong ito, bagkus ay sa lahat ng mga miyembro ng ATC.
Kailangan din umano ng factual basis bago mai-classify ang isang indibidwal bilang terorista, at hindi aniya pwede ang basta na lamang na red tagging.