Photo Credits: PTV NEWS
Ibinahagi ni Cabinet Sec. Karlo Nograles na kasalukuyang pinag-uusapan na ng economic managers kasama ang Department of Trade and Industry ang magiging adjustments para mas mabuksan pa ng ligtas ang ekonomiya ng bansa.
Posible aniya, sa second quarter pa ng taon mangyayari ang pagsasailalim ng buong bansa sa MGCQ status para sa mas masiglang ekonomiya ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles.
Sa usaping vaccination program naman ng pamahalaan, kasalukuyang pinag-uusapan ani Nograles na ang bakuna mula AstraZeneca ang ituturok sa mga frontline healthcare workers na may edad na animnapu pataas.