<!– /* Font Definitions */ @font-face {font-family:”Cambria Math”; panose-1:2 4 5 3 5 4 6 3 2 4; mso-font-charset:0; mso-generic-font-family:roman; mso-font-pitch:variable; mso-font-signature:3 0 0 0 1 0;} @font-face {font-family:Calibri; panose-1:2 15 5 2 2 2 4 3 2 4; mso-font-charset:0; mso-generic-font-family:swiss; mso-font-pitch:variable; mso-font-signature:-469750017 -1073732485 9 0 511 0;} @font-face {font-family:Verdana; panose-1:2 11 6 4 3 5 4 4 2 4; mso-font-charset:0; mso-generic-font-family:swiss; mso-font-pitch:variable; mso-font-signature:-1610610945 1073750107 16 0 415 0;} /* Style Definitions */ p.MsoNormal, li.MsoNormal, div.MsoNormal {mso-style-unhide:no; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:””; margin-top:0in; margin-right:0in; margin-bottom:10.0pt; margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:”Calibri”,sans-serif; mso-fareast-font-family:Calibri;} .MsoChpDefault {mso-style-type:export-only; mso-default-props:yes; font-family:”Calibri”,sans-serif; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-fareast-font-family:Calibri; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-bidi-font-family:Calibri;} .MsoPapDefault {mso-style-type:export-only; margin-bottom:10.0pt; line-height:115%;} @page WordSection1 {size:8.5in 11.0in; margin:1.0in 1.0in 1.0in 1.0in; mso-header-margin:.5in; mso-footer-margin:.5in; mso-page-numbers:1; mso-paper-source:0;} div.WordSection1 {page:WordSection1;} –>
Marco Verch/Flickr
SA panahon ng kalamidad, marami sa atin ang pinipiling mag-stock ng pagkain sa bahay. Mapadelata man o ulam, mahalaga na mayroon tayong imbak na pagkain para sa ating pamilya ano man ang mangyari. Ngunit, alam mo ba kung gaano lamang katagal pwedeng iimbak ang pagkain na binili mo?
Bukod sa expiration date, may ilang pagkain na wala nito, tulad ng mga gulay, prutas, karne, at iba pa. Kaya naman, mahalaga na alam mo kung hanggang kailan lamang pwedeng i-stock nang matagal ang iyong mga pinamili, kung ano dapat ang ilagay sa ref at freezer at kung ano dapat ang hindi.
Ayon sa Mayo Clinic, ang mga karne, isda, at mga produkto na gawa sa gatas at itlog ay dapat nakalagay sa loob ng ref – hilaw man o pagkatapos iluto.
Ang ilang mga gulay, prutas, sauces, condiments, at mga hilaw na pagkain tulad ng salad ay dapat din naka-ref.
“Your goal is to reduce the time a food is in the ‘danger zone’ – between 40 and 140F (4 and 60C) – when bacteria can quickly multiply,” wika ng organisasyon.
Mula naman sa Still Tasty, eto ang shelf-life o kung gaano katagal dapat iniimbak ang pagkain sa loob ng ref at freezer.
Karne, poultry at isda
Karne at poultry – dalawa hanggang tatlong araw
Sausage – tatlong araw
Bacon – apat hanggang limang araw
Lutong isda – tatlo hanggang apat na araw
Hilaw na isda – isa hanggang dalawang araw
Gulay at prutas
Mga lutong gulay – tatlo hanggang limang araw
Hilaw na baby carrots – dalawa hanggang tatlong linggo
Buong pipino – isang linggo
Buong mansanas – isa hanggang dalawang buwan
Avocado – tatlo hanggang limang araw kapag nahinog
Saging – lima hanggang isang linggo kapag nahinog
Mga nahiwa na prutas – tatlo hanggang limang araw
Itlog at iba pang produktong may gatas
Buo pang keso – isang buwan
Butter – isang buwan matapos ang sell-by date sa pakete
Nabuksan na cream cheese – isa hanggang dalawang linggo
Itlog – apat hanggang limang linggo
Nilagang itlog – isang linggo
Hindi pa nabubuksan na non-dairy coffee creamer – dalawang linggo
Gatas – lima hanggang isang linggo matapos ang sell-by date sa pakete
Condiments
Nabuksan na salad dressing – anim hanggang syam na buwan
Nabuksan na bote ng pickles – isang taon
Ketchup – syam na buwan hanggang isang taon
Mayonnaise – dalawa hanggang tatlong buwan
Para naman sa mga delatang pagkain, na maganda ring iniimbak sa panahon ng kalamidad, may araw at buwan din itong dapat nagtatagal lamang.
Mga delatang pagkain
Iba’t-ibang klase ng beans – dalawa hanggang tatlong taon
Delatang soup – tatlo hanggang limang taon
Hilaw na pasta – isang taon
Bigas – apat hanggang limang taon
Brown rice – anim hanggang walong taon
Para naman mas tumagal ang pagkain, maaari mo rin itong ilagay sa freezer. Sa pangkalahatan, anumang ilagay sa freezer ay maaaring magtagal ng siyam na buwan hanggang isang taon. Gayunpaman, nag-iiba ito depende sa produkto.
Mga pagkain sa freezer
Poultry – isang taon
Steak – isang taon
Puting isda – walong buwan
Nabuksan ng frozen fruit – walong buwan
Tinapay – anim na buwan
Mamantikang isda, tulad ng salmon – anim na buwan
Pastries – apat na buwan
Butter – apat na buwan
Soups at sauces – tatlong buwan
Ice cream – apat na buwan
Ayon sa Ready.gov, sa panahon ng krisis mahalagang magkaroon ng supply ng pagkain at tubig para sa dalawang linggo. Siguraduhin din na may tamang supply ng kailangan na gamot upang tuluy-tuloy ang pag-inom.