Alam ba ninyo na may mga prutas na nakadaragdag ng timbang? Kaya para sa mga payat at kulang sa timbang, kumain lamang kayo ng mga prutas na ito at tiyak na madaragdagan na ang inyong bigat dahil ang mga ito ay nagtataglay ng healthy fats.
Marami sa atin ang gustong pumayat at magbawas ng timbang pero marami rin namang mga payat na gustong madagdagan ang kanilang timbang. Kung saan ka man kabilang mahalagang may tama kang kaalaman at ideya sa kung anong benepisyo sa katawan ang prutas na iyong kinakain para mas makamit mo ang gusto mong timbang.
1. Saging
Pinakanangunguna sa labingisang prutas na nakakapagpataba dahil hindi lamang ito masustansya ngunit nagtataglay din ito ng mataas na bilang ng carbs at calories.
2. Avocado
Nagtataglay ng pambihirang lasa at sustansya, mataas sa calories, fats, potassium, Vitamin K, C, B5 at B6 kaya maganda itong kainin para sa nais magdagdag ng timbang. Maaaring gawing dessert, salad o gawing sangkap sa soup.
3. Coconut meat – o laman ng buko
Mataas ito sa calories at fat. May taglay din na katamtamang carbs, phosphorus at copper. Maaaring kainin ng solo o di kaya ay ihalo sa iyong pagkain o meryenda.
4. Mangga
Dahil sa taglay nitong tamis, mataas ang bilang ng mangga sa calories, carbs, copper, B vitamins at vitamin A at E. Masarap gawing shake, mango float o ihalo sa salad.
Alam niyo ba na ang mga pinatuyong prutas o dried fruits na wala ng water content dahil sa ilang proseso ng pagpapatuyo dito ay nagtataglay ng mas mataas na micronutrients kaysa mga sariwang prutas ngunit mas mataas ang natural sugars nito kaya mainam itong kainin sa mga gustong tumaba.
5. Dates
Karaniwang mabibili ang dates sa mga tropical o maiinit na lugar. Nagtataglay rin ng mataas na bilang ng calories, fats, protein, carbs, potassium at magnesium. Ang dates ay matagal bago masira at maaaring gawing palaman sa tinapay.
6. Prunes o pinatuyong plum
Nagtataglay ng maraming bitamina at mabisang tulong sa constipation dahil sa taglay nitong fiber. Maaari itong kainin o papakin o di kaya ay ihalo sa paboritong shake o salad.
7. Dried apricots – o mas kilala na yellow stone fruit
Maari itong kainin ng sariwa o pinatuyo; mataas ito sa calories, protein, fats, carbs, fiber, beta carotene, lutein at zeaxanthin na may magandang benepisyo sa mga mata.
8. Dried figs
Medyo matamis at masarap sariwa man o dried. Masarap ito ihalo sa oats, yogurt o salad. Maaari rin ipares sa cheese o crackers. Mataas ito sa calcium, potassium, carbs, fat, protein at calories.
9. Raisins – pasas o pinatuyong ubas
Mayaman ito sa copper, manganese, magnesium at B vitamins.
10. Sultanas
Kahalintulad ito ng pasas o pinatuyong ubas ngunit karaniwang mula ito sa green seedless grapes o mas kilala na golden raisins na mayaman sa calories, protein, iron, carbs, fiber at fats.
11. Currants
Mula ito sa pamilya ng ubas o tinatawag na black corinth. Karaniwang mas maliit at medyo mas maasim ang lasa kaysa pasas. Mayaman ito sa zinc, iron, fiber, calories, fats, carbs, coppermagnesium at potassium.
Ang paghahalo ng mga prutas na ito sa iyong pang araw-araw na pagkain ay makatutulong ng malaki para makakuha ng karagdagang timbang dahil sa taglay nitong protina, carbs at healthy fats habang pinapanatili nitong stable ang iyong sugar o asukal sa dugo. Source: https://www.healthline.com/nutrition/high-calorie-fruits#bottom-line