NAGPAHAYAG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nais niyang bumili ng mga pahina sa pangunahing diyaryo sa bansa.
Sa televised public address, sinabi ni Pangulong Duterte na nais nitong mailagay sa mga diyaryo ang mga proyekto ng pamahalaan at winning bidders, sa natitira niyang termino.
Ayon sa pangulo na dapat mailathala ang mga kontrata ng gobyerno, kasama na rito ang may kinalaman sa public works and highways, transportation at irrigation facilities.
Layunin nito na maipaalam sa taong-bayan ang mga proyekto at impormasyon.
Kabilang dito ang listahan ng government projects na kasalukuyang nasa ilalim ng negosasyon at mga natapos na.
Sa ganitong paraan ay mababasa ng mamamayang Pilipino ang estado at progreso ng mga proyekto sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Una rito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga ahensiya ng gobyerno na isapubliko kung magkano at kung saan napupunta ang kanilang mga nagastos sa kada 15 o 30 araw para matiyak ang transparency at accountability.
Kabilang na rin ang pangalan at address ng suppliers ay nais ng pangulo na isama sa ilathala sa mga pahayagan.
Ang direktibang ito ay bahagi ng anti-corruption campaign ni Pangulong Duterte.