Sa kabila ng hampas ng Bagyong Ulysses wala namang naiulat na pinsala ang mga paliparan sa Bicol Region, samantala balik operasyon na rin ngayon ang NAIA matapos sinuspinde ang operasyon nito ng anim na oras dulot ng bagyo.
Ang mga commercial flights operation sa mga paliparan sa Bicol Region ay naiulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na wala namam naiulat na nagtamo ng pinsala ang mga paliparan sa rehiyon.
Ayon sa CAAP liban sa commercial flights ay nagpapatuloy pa rin ngayon ang operasyon ng Virac, Naga at Legazpi Airport kung saan walang naiulat na damages sa paliparan at ligtas naman ang naka on-duty personnel.
Wala ring naiulat na pinsala sa iba pang paliparan na bahagi ng lugar na nadadaanan ng Bagyong Ulysses kabilang na dito
Jomalig Airport, Baler Airport, San Jose Airport, Mindoro Airports (Calapan, Lubang, Mamburao, Pinamalayan, at Wasig).
Matatandaan nitong nakalipas na Bagyong Rolly malaking halaga ang napinsala ng ilang paliparan sa Bicol na umabot sa 5.5 milyong piso sa naga airport habang nagtamo rin ng minimal damage ang Virac at Legazpi Aiport.