Sabi nga ng mga nakatatanda, ang pagpapalaki ng isang anak ang isa sa mahirap na tungkulin. Bilang isang magulang, nasanay na tayo na ating binibigay ang lahat ng gusto ng ating anak hangga’t maaari. Ngunit, ito ba ay isa sa mga tamang pamamaraan ng pagpapalaki ng anak? Upang mas maintindihan, alamin sa artikulong ito ang mga palatandaan na mali ang iyong pagpapalaki ng iyong anak.
1. Dishonesty
May kasabihan tayo na ” Honesty is the best policy” kaya naman bilang isang magulang, magandang maging tapat tayo sa ating mga anak. Ito rin ay isang paraan upang hindi maging kumplikado ang isang sitwasyon gaya ng pagpapaliwanag sa mga bata.
Ayon sa isang pag-aaral, ang mga batang nakasanayan ito ay magiging tapat din sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay hanggang siya ay tumanda. Kaya kung may ipinapabili ang iyong mga anak at wala kang pera, sabihin ang totoo.
2. Exaggeration
Bilang isang magulang, hindi natin maiiwasan na maging exaggerated sa mga bagay na nagagawa o nasasabi ng ating anak. Oo, kahit kailan ay hindi maganda ang pagsisinungaling, ngunit hindi rin maganda kung mag oover react ka sa lahat ng oras. May malaking epekto ito sa iyong mga anak dahil mapapaisip siya kung may katuturan ba ang iyong galit sa kanyang nagawa.
Ito rin ang maaaring pagsimulan nang pagtago niya sa iyo ng mga bagay at hindi pagkwento dahil maiisip niya na baka ikaw ay magalit na naman.
3. Hindi pag sorry sa iyong anak
Tinuturuan natin ang ating mga anak ng salitang “sorry” pero hindi mo ito maa-apply sa iyong sarili. Tandaan na hindi porke ikaw ang nakakatanda ay pwedeng hindi na mag sorry. Kapag alam mong nasasaktan o nasaktan mo ang kanilang damdamin, humingi rin ng sorry sa kanila. Sa paghingi mo ng sorry sa kanila ay pinapakita mo ang iyong pagpapakumbaba at tulay ito upang magkaroon kayo ng maayos na komunikasyon. Isa rin itong magandang halimbawa para sa kanila.
4. Helicopter Parenting
Ito ay isa sa mga maling gawain ng mga magulang, ang tawag dito ay Helicopter parenting. Ibig sabihin, konting dapa o aksidente ay to the rescue na agad. Ito ay isang mali na gawain ng isang magulang sapagkat nakakabawas ito ng self-esteem at confidence ng mga bata.