Napagdesisyunan ng pamahalaan ng Cebu City na magbigay ng livelihood training sa mga palaboy at pulubi na na-rescue ng mga otoridad kamakailan.
Ito ay upang matuto ang mga ito na tumayo sa sarili nilang mga paa at mamuhay nang hindi umaasa sa iba.
Nagbigay utos si Mayor Edgardo Labella sa Department of Manpower Development and Placement (DMDP) na turuan ang mga ito kung paano kumita ng pera bukod sa panlilimos.
Nalipol ng otoridad ang nasa 324 na palaboy sa lugar sa isang “one time, big time” operation nito.
Nanawagan din ang alkalde sa mga government law enforcement offices na regular na magsagawa ng operasyon upang masigurong hindi na muling babalik sa lansangan ang mga ito.
Iginiit din nito na ang mga palaboy na muling magbabalik sa lansangan upang manlimos ay mahaharap sa kaso dahil sa paglabag nito sa anti-mendicancy ordinance ng lugar.