Nanganganib ngayon na mapupuno ang mga ospital sa United Kingdom partikular na sa Wales at Scotland.
Ito ay dahil sa paglobo ng bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 kasunod na rin sa banta ng bagong variant ng virus na natuklasan sa naturang bansa.
Batay sa pinakahuling datos ng National Health Service o NHS England, umabot na ngayon sa 20,426 ang bilang ng mga COVID-19 patients na ginagamot sa mga ospital.
Mas mataas umano ito mula sa 19,000 na naitala noong Abril kung saan naitala ang pinaka-unang peak ng kaso.
Nitong Lunes lamang naitala ng UK ang pinakamataas na daily number of cases na lumampas sa 40,000.