NAKATANGGAP ng ayuda mula sa gobyerno na aabot sa dalawampung libong piso ang mga magulang ng halos 180,000 na mga mahihirap na bata sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.
Ang hakbang na ito ng gobyerno ay upang maibsan ang problema ng child labor sa lugar.
Kasabay nito, sinabi ni Ministry of Labor and Employment BARMM Minister Romeo Sema, na handa ang rehiyon na wakasan ang isyu ng child labor sa rehiyon sa pamamagitan ng Sagip Batang Manggagawa Program.
Kaugnay na rin ng proyektong ito ang kagustuhan ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na matuldukan ang isyu ng labor.
Sa mga susunod na araw, mamamahagi rin ng ayuda ang pamahalaan sa Lanao Del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.