ANG pagdighay ay normal at natural gaya ng paglabas ng gas sa ating katawan. Isa itong paraan ng iyong katawan na mailabas ang sobrang hangin mula sa iyong upper digestive tract. Ang madalas na pagdighay ay sanhi ng paglunok ng sobrang hangin. Ayon sa mga eksperto ng Mayo Clinic, ang hangin na ito ay nakakarating sa ating tiyan pero naiipon sa ating lalamunan.
Dahilan ng pagdighay:
- Pagkain at paginom ng mabilis
- Nagsasalita habang kumakain
- Pagkonsumo ng ilang carbonated beverages
- Paninigarilyo
- Pagkain ng kendi at bubble gum
Samantala, iba pang dahilan ng pagdighay ay maikokonekta rin sa pagkakaroon ng abdominal pain or heartburn. Ito ay ang mga sumusunod:
- Aerophagia – ay isang medical term para sa sobra at paulit-ulit na paglunok ng hangin. Halimbawa nito ay ang paglunok ng hangin habang naglalakad, kumakain o tumatawa.
- Gastritis – Isang kondisyong medikal na kung saan ay nagkakaroon ng pamamaga ng stomach lining. Ang gastritis ay pwedeng maging long-term na maaaring magtagal ng ilang taon lalo na kung ito ay hindi naagapan.
- Gastrointestinal reflux disease (GERD) – Ito rin ay ang tinatawag na acid regurgitation gastroesophageal reflux na kung saan ang hangin ay umaakyat sa lalamunan na galing sa ating tiyan. Ayon sa National Institute of Diabetes and Digestive Kidney Diseases (NIDDK), ang GERD ay nakakaapekto sa 20% ng tao sa Amerika. At kapag hindi nagamot, maaaring magdulot ng komplikasyon.
- Pagkain at paginom ng marahan – Ika nga nila, ‘take your time’ habang kumakain at umiinom ay nakakatulong nang di makalunok ng sobrang hangin.
- Iwasan ang pag-inom ng carbonated drink – Ang mga ito ay nagpapakawala ng carbon dioxide gas.
- Limitahan ang pagkain ng mga candy at bubble gum – Pagnguya ng bubble gum kung saan kadalasan na iyong nalulunok ay hangin.
- Huwag manigarilyo – Gaya ng pagkain ng bubble gum, nagpapasok din ito ng hangin.
Ang simpleng dighay ay normal na ating nararanasan na maaaring maiwasan. Subalit kung ito ay hindi maagapan, maaaring mauwi sa seryosong kondisyon. Maaaring kumonsulta sa doktor kung walang pagbabago sa mga nabanggit na sintomas. Lalo kung ito ay may kalakip na sintomas na diarrhea, bloody stools at hirap sa paghinga.