May mga bago ng signal lights sa mga istasyon ng MRT-3.
Ito ay matapos ma-install ang 16 na bagong signal lights bilang bahagi ng massive rehabilitation at maintenance na isinasagawa sa MRT-3.
Ayon sa MRT-3 management, magagamit na ang 6 na bagong signal lights sa Ortigas Station, 5 sa Shaw Boulevard Station, at 2 sa Guadalupe Station.
Ang bagong signal lights ay led-powered at mas maliwanag kung ikukumpara sa dating regular na signal lights.
Target naman ng pamunuan ng MRT-3 na makapaglagay na ng mga signal lights sa lahat ng mga istasyon ng rail line.