Mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ ang buong Metro Manila at ang siyam pang lugar sa bansa hanggang sa Enero a-trenta’y uno.
Ito ang inanunsyo kamakailan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang isinagawang public address.
Kasama ng Metro Manila na mananatili sa ilalim ng GCQ at ang mga lalawigan ng Batangas, Isabela, Lanao del Sur, Davao del Norte at ang mga syudad ng Santiago, Iloilo, Tacloban, Iligan at Davao City.
Habang mananatili naman sa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ ang natitirang bahagi ng bansa.
Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na ang naturang community quarantine classifications ay maaaring i-apela ng mga lokal na pamahalaan o local government units.
Hinimok din ng Pangulo ang publiko na iwasan ang paglabas sa kanilang mga tahanan at iwasan din ang mga malalakihang pagtitipon para maiwasan ang hawaan ng sakit.