Posible umanong tumagal ng tatlo hanggang limang taon bago tuluyang makumpleto ang pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19 sa 60 milyong Pilipino na target mabakunahan ng ating gobyerno o kasalukuyang administrasyon.
Ipinaliwanag ni Secretary Carlito Galvez Jr, vaccine czar at chief implementor ng National Task Force versus COVID-19 na kung hindi agad masisimulan ay posibleng sa 2022 na maipapatupad ang malawakang pagbabakuna.
Iginiit ni Galvez na maituturing masuwerte pa nga kung makakapagsimulang mapabakunahan ang mga tao sa kalagitnaan ng 2021.
Base naman sa kasalukuyang sitwasyon o sa mga naglalabasang balita ay halos ubos na o wala nang mabibiling anti-COVID vaccine. Ito ay dahil kahit ginagawa pa lamang ang bakuna ay pinakyaw na raw ito ng mga mayayamang bansa mula sa magkakaibang mga laboratoryo sa iba’t-ibang bansa. Gayunman ay sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na may mga pamamaraan naman na maaaring gawin ng administrasyon. Ilan lamang sa nagsasagawa na ngayon ng mass production ng mga bakuna ay ang Sinovac ng China at ang Pfizer ng Britanya o ng United Kingdom.
Samantala sa usapin naman ng pagpapabakuna ng RT-PCR test ng mga local tourists ay pinaplano na ng Department of Tourism na makipag-tie up o makipagkasundo sa UP-PGH.
Ipinaliwanag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na P1,800 ang presyo ng RT-PCR test sa UP-PGH pero posible umanong i-subsidize o sagutin ng DoT ang 50% o kalahati ng bayarin sa COVID-19 testing ng bawat turista kaya lilitaw anya na P900 na lang ang babayaran ng kada tao na magpapasuri.
Sa ngayon anya ay may konting budget pang natitira ang DoT pero patuloy pa silang naghahanap ng karagdagang pondo para matustusan ang proyekto, pero sa ngayon ay hindi pa masabi ni Puyat kung kailan sisimulan ng DoT ang proyekto.
Naniniwala rin si Puyat na malaking tulong ito sa mga turistang magpapa-test dahil kumpara sa iba o sa pribadong pasilidad ay umaabot ang presyo sa P4,000 ang RT-PCR test o mas mataas pa, kumpara sa singil ng UP-PGH na P1,800 lang.
Nilinaw naman ng DoT na mga local o domestic tourist lang ang kwalipikado o maaaring makibahagi at sumali sa kanilang proyekto at ito anya ay isa sa mga pamamaraan para mahikayat ang mga Pilipino na magbiyahe sa mga tourist destinations dito sa Pilipinas pero dapat ay DoT accredited ang mga pupuntahan o bibisitahing mga lugar.
Kinumpirma ng Department of Labor and Employment na umabot sa 36,446 workers mula sa 1,210 na kompanya sa buong bansa ang nag-apply para sa financial assistance.
Sa Region 7 ang naitalang pinakamaraming applicant workers ay umabot sa 10,719 o katumbas ng 30% sa kabuuan ng applications.
Sinundan ito ng National Capital Region na may 6,217 o 17%, 3,783 sa Region 6 o 10%, sa Region 9 ay 2,675 o 7% at sa Region 4A ay may 2,657 o 7%, habang ang pinakamababa o pinaka-kaunting aplikante ay sa Region 8 na mayroon lamang 155 aplikante.
Samantala ang aplikasyon ng 289 establisemyento na may 8,146 affected workers ay hindi pa naaprubahan dahil kasalukuyan pa itong sinusuri o sumasailalim pa sa assessment at validation.
Pinag-aaralan o pinaplano na ng Department of Tourism na makipag-tie up sa UP-PGH, kaugnay sa pagpapakuha ng RT-PCR test ng mga local tourists.
Ipinaliwanag ni Puyat na P1,800 ang presyo ng RT-PCR test sa UP-PGH pero posible umanong i-subsidize o sagutin ng DoT ang 50% na bayarin sa COVID-19 testing kaya lalabas na P900 na lang ang babayaran ng kada tao na magpapasuri.
Sa ngayon anya ay may konting budget pa silang natitira pero patuloy pa silang naghahanap ng karagdagang pondo para matustusan ang proyekto at ito rin aniya ang dahilan kung bakit hindi pa masabi kung kailan ito sisimulan.
Malaking tulong aniya ito sa mga turistang magpapa-test dahil kumpara sa iba o sa pribadong pasilidad ay umaabot ang presyo sa P4,000 ang RT-PCR test o mas mataas pa, kumpara sa singil ng UP-PGH na P1,800.
Nilinaw naman ng DoT na mga local o domestic tourist lang ang kwalipikado sa kanilang proyekto at ito aniya ay para mahikayat ang mga Pilipino na magbiyahe sa mga tourist destinations dito sa Pilipinas at dapat ay DoT accredited ang pupuntahan.
Samantala, marahil ay napakaraming manggagawang Pinoy ang labis na nalungkot dahil natapos na noong isang linggo ang pamimigay ng Department of Labor and Employment ng ayuda sa iba’t-ibang sektor ng mga manggagawa sa ilalim ng programang CAMP o COVID Adjustment Measures Program.
Nakasaad sa Labor Advisory No. 33 na nilagdaan ni Secretary Silvestre Bello III na tinapos na nila ang pamamahagi ng ayuda dahil naabot na ng departamento ang target na mabigyan ng one-time cash assistance na P5,000 ang bawat manggagawa at ito aniya ay base o nakapaloob sa Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 2.
Katunayan anya, nitong Disyembre a-8 ay umabot na sa 1,462,350 na manggagawa mula sa 36,355 na establisimyento ang nag-apply sa CAMP, o lumagpas na ng mahigit pa sa 2,000 na manggagawa sa kanilang target beneficiaries.
Mula sa P4 billion CAMP allocation ay lumagpas pa aniya ng P2.3 billion o 54 percent ang naipamahagi na sa mga benepisyaryo.
Nakakalungkot dahil ang ayuda o ang P5,000 financial assistance na matatanggap ng isang ordinaryong manggagawa ay napakalaking tulong para sa kanilang pamilya.
Nakakaawa nga tingnan ang mga manggagawa na makikitang madaling araw pa lamang ay nakapila na sa remittance center para i-withdraw ang kanilang ayuda, bagamat sa kabilang banda ay maswerte pa rin na matatawag dahil kahit paano ay nakatanggap sila ng biyaya.
Malaking tulong din ito para makabili sila ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, canned goods, gamot at iba pa. Mabuti rin at masigasig at seryoso ang ating mga lider sa bansa na matulungan at maasistehan ang ating mga kababayan na nalugmok ng COVID-19. Bilang mga Pilipino ay sama-sama tayong manalangin na sana ay makahanap ng sapat na pondo ang ating mga pinuno para ipambayad o ipambili natin ng anti COVID-19 vaccine. Ang tanong lang ay, “May maabutan pa o may mabibili pa kaya tayo?”