Inaasang magiging malungkot ang karamihang manggagawang Pinoy sa darating na Pasko partikular ang mga nasa hanay ng small and medium enterprises.
Ayon kay Employer’s Confederation of the Phils. (ECOP) President Sergio Ortiz Luis, nasa 90 porsiyento ng mga negosyo sa bansa ay mga micro enterprise na umaabot sa 50-60 porsiyento ng kabuuang pwersa ng trabaho.
Dahil dito tinatayang nasa 2 milyong manggagawa ang maaring hindi makatanggap ng kanilang bonus sa darating na Pasko.
Sinabi ni Ortiz na simula pa lang ng lockdown ay hiniling na ni Pangulong Duterte sa mga employer na ibigay na ang Christmas bonus sa kanilang mga empleyado na sinunod naman ng mga may negosyo. Kasabay nito nanawagan ang ECOP sa mga employer na maging mapagbigay sa kanilang mga empleyado lalo na at wala na itong aasahang biyaya sa darating na Pasko.