Hindi ipatutupad ang mandatory coronavirus vaccine para sa mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics ayon kay IOC Chief Thomas Bach.
Ani Bach, ang pagpapaturok ng vaccine ay base na rin sa personal na desisyon ng mga atleta at iba pang indibidwal na makikibahagi sa palaro.
Dagdag pa nito, marami ring isyu na dapat na ikonsidera gaya ng private health, health condition, at availability ng bakuna.
Gayunman, aapila naman aniya ang IOC sa mga atleta at iba pa na magpabakuna bilang respeto sa iba pang atleta at Japanese hosts.
Matatandaan na ipinagpaliban ang pagdaos ng Tokyo 2020 dahil sa coronavirus pandemic.