Photo Credit: Wikipedia
Nagbabala ang World Food Program (WFP) sa malaking posibilidad ng malawakang kagutuman na maaring mangyari pagkatapos ng pandemya.
Ayon kay WFP Executive Director David Baesley, dahil sa mga giyera, climate change, at pandemyang kinakaharap ng mundo, nalalagay ang 270 milyong katao sa pagkagutom.
Aniya, wala ng sapat na pera at access ang WFP, ayaw nitong pumili kung sino sa mga bata ang mamamatay o mabubuhay sapagkat maaaring humantong sa pagkakataon na kailangan nitong pumili kung sino ang mga bata na kakain at hindi.
Dagdag pa ni Baesley, ang pagkabigo na tugunan ang problemang ito ay magiging mas malala pa kaysa sa COVID-19 pandemic.