Walang pondo ng gobyerno ang ginamit sa pagbakuna kontra COVID-19 sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ibig sabihin nito ay walang paglabag sa prioritization para sa COVID-19 vaccination ng pamahalaan.
Iginiit ni Roque na nanatiling prayoridad ng gobyerno para sa vaccination ang mga mahihirap, mga matatanda at frontliners.
Una nang kinumpirma ng PSG na ilang close-in security details ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nabakunahan na upang matiyak ang kaligtasan ng pinakamataas na opisyal ng bansa.