• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer
  • #
  • Home
  • Digital Archive
  • Advertise with Us
  • About Us
  • Contact Us
  • January 24, 2021

Pinas USA

The Filipino's Global Newspaper

  • Cover Stories
  • National
  • Feature
  • Fil-Am
  • Foreign
  • Opinion
  • Sonspeak
  • Health
  • Lifestyle
  • Sports
  • Showbiz
  • Fun Page
You are here: Home / Lifestyle / Maitim ang labi kahit di naninigarilyo? Ito ang solusyon!
Lifestyle

Maitim ang labi kahit di naninigarilyo? Ito ang solusyon!

Jonnalyn Cortez4 months ago

KATULAD ng kulay ng ating balat, iba-iba rin ang kulay ng labi ng tao—merong mapusyaw, mapula at meron din namang maitim. Bakit nga ba umiitim ang labi?

Karaniwan ng konektado ang pagkaitim ng labi sa paninigarilyo. Ngunit, kung hindi ka naman naninigarilyo at maitim pa rin ang labi mo, ano pa nga bang ibang dahilan nito?

Maaaring stress, medikasyon, isyung medikal o mga produktong ginagamit ang sanhi ng pagkaitim ng iyong labi. ‘Wag mag-alala at ‘wag din mawalan ng pag-asa dahil nagagamot naman ito. 

May mga home remedies at produktong pwedeng gamitin upang maging mapusyaw ang iyong mga labi at magkaroon ng kaakit-akit na kissable lips.

Bakit nangingitim ang labi?

Ang pigment na tinatawag na melanin ang nagbibigay kulay sa ating mga labi. Pag mas konti ang melanin, mas mapusyaw ang mga labi. Pag marami naman ito, mas maitim ang mga labi. 

Kung nag-po-produce naman ng mas maraming melanin ang balat kesa sa pangkaraniwan, hyperpigmentation na ang tawag dito. Ito rin ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga pekas sa balat. Karaniwan itong tinatawag na age spots at sanhi ito ng madalas at matagal na pagkakababad sa araw.

Hindi lang ang kutis mo ang pwedeng tablan nito, kundi pati na rin ang iyong mga labi.

Ilan sa mga dahilan ng hyperpigmentation bukod dito ay paninigarilyo, pagbubuntis, ilang mga medikasyon at kondisyong medikal. 

Sa isang episode ng “Pinoy MD”, sinabi ng dermatogist na si Dr. Jean Marquez na maaari rin maging dahilan ng pagkakaroon ng maitim na mga labi ang paggamit ng matapang na sabon sa mukha. 

“Sometimes nakikita ko, ang tapang pala ng mga ginagamit nilang sabon. Since manipis ‘yong skin natin sa lip area and then kapag na-arawan, nangingitim ito,” paliwanag nito. 

Paano maiiwasan ang pag-itim ng mga labi?

Ayon kay Dr. Marquez, maaaring makatulong ang paggamit ng mild na sabon upang maiwasan ang pag-itim ng mga labi. Maaari ring gumamit ng lip balm na may halong moisturizer at sunscreen upang mapanatiling protektado ang mga ito. 

Pwede ring kumonsulta sa doctor at magtanong tungkol sa pigment laser treatment upang mapapusyaw ang mga labi sa mas mabilis at epektibong proseso. Paalala lang, kapag sumailalim ka na sa prosesong ito, bawal na bawal ng ma-expose ang iyong mga labi sa araw. 

Pwede rin namang gumamit ng mga home remedies, tulad ng homemade honey scrub na gawa sa honey at asukal na dahan-dahang ikukuskos sa mga labi at babanlawan. Pwede ring gumawa ng sarili mong almond oil lip gamit ang almond o coconut oil na imamasahe mo sa iyong mga labi. Syempre pa, importante rin ang laging pag-inom ng tubig upang hindi manuyo ang mga ito. 

Maaari rin kumain ng mga pagkain na nakatutulong upang maging malusog ang balat, di lamang sa labi, kundi na rin sa buong katawan. Kabilang na rito ang kamatis, niyog, walnuts, honey, lemon, aloe vera at green tea ang iilan sa mga pagkaing nakabubuti para sa atin mga labi.

Lifestyle

SUBSCRIBE TO PINAS USA — THE FILIPINO’S GLOBAL NEWSPAPER

To receive a digital copy of new PINAS USA issues, enter your name and email address below and click on the Subscribe button.

Latest News

Anong meron para kay Juan sa 2021?
Quincy Joel V. Cahilig 6 days ago
Bagong Taon, Bagong Pagasa
Jane Martin 6 days ago
Felix Manuel: Ms. Universe Pageant 2021 may be disrupted for the first time by covid-19
Marivir R. Montebon 6 days ago
Kauna-unahang artificial cornea transplant, isinagawa sa UAE
Shekinah Dequiña 6 days ago
Teknolohiya sa pagsulong ng Kalusugan
Eugene Flores 6 days ago
Disiplina sa pag-aaral ay tiyakin, tulungan silang gawin ang takdang-aralin
Ana Paula A. Canua 6 days ago
Mga ginawang bakuna, maari pa ring panlaban sa bagong strain ng virus mula sa UK ayon sa isang eksperto
Vic Tahud 6 days ago
America under siege
Perry Diaz 6 days ago
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, maaring umabot sa 800-K bago matapos ang 2021 — UP expert
Vic Tahud 6 days ago
Morisette Amon at BF na si Dave Lamar engaged na
Justine Nazario 6 days ago
The Absolute Glorification (Part 4)
Pastor Apollo C. Quiboloy 6 days ago
Andre Paras, pasok na sa 2021 PBA draft
Editorial Team 6 days ago

Thoughts? Add a comment below

Footer

PINAS USA - The Filipino's Global Newspaper
Address: 14533 Vanowen St., Suite B, Van Nuys, CA 91405
Phone: (909) 534-5465
Email: [email protected]

Quick Links

  • About Pinas USA
  • Advertise with Us
  • Digital Archive
  • Contact Us
  • Terms of Use and Privacy Policy

News Categories

  • Cover Stories
  • Feature
  • Fil-Am News
  • Foreign
  • Fun Page
  • Health
  • Lifestyle
  • National
  • Opinion
  • Showbiz
  • Sonspeak
  • Sports

News Archives

  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • March 2020
  • February 2020

Tags

2021 Budget Anti-corruption Anti-Terrorism COVID-19 DBM DENR Department of Agriculture DepEd Disaster Response DOH DOJ DOLE Donald Trump DOT DOTr DPWH DSWD DTI Dubai Duterte Administration Economy Good Vibes IATF Japan K-POP Leni Robredo Metro News NBA NDRRMC OFW PBA PDEA PhilHealth Philippines Tourism PNP Provincial News PRRD Russia South China Sulu Twin Bombings Technology Thailand United Kingdom West Philippine Sea WHO

Copyright © 2021 · Pinas USA — The Filipino's Global Newspaper · All Rights Reserved · Website Developed by NorthZen Media