Hihigpitan lang ang health protocols laban sa COVID-19 sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa. Ito ay ayon kay Dr. Anthony Leachon sa panayam ng Sonshine Radio.
Aniya, ang sekreto lang para sa pagbubukas ng ekonomiya ay pananatilihin ang implementasyon ng minimum health standards.
Kasunod ito sa pagbibigay suporta ni Dr. Leachon sa 100% na pagbubukas ng pampublikong transportasyon sa bansa.
Alam naman ng pangkalahatan aniya na kung ire-relax ang implementasyon ng protocols ay posible ang muling paglobo ng COVID-19 cases.