Upang maiwasan ang kaguluhan sa New Bilibid Prison, 10,000 na preso ang tinanggalan ng gang tattoo.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag, 10,274 Persons Deprived of Liberty (PDLS) ang kasali sa programang “Oplan Bura Tatak”.
Layunin ng programang ito na mabawasan ang karahasan at kaguluhan dahil sa gang extremism.
Kabilang sa programang ito ay ang 6,806 na galing sa New Bilibid Prison, 60 naman sa Correctional Institute for Women, 2,484 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, 2,050 galing sa Leyte Regional Prison, 156 sa Sablayan Prison and Penal Farm, at 408 naman ang galing sa San Ramon Prison and Penal Farm.