Sinasabing ang mahabang oras ng paggamit ng social media ng mga kabataan ay maaaring magresulta ng pagkakaroon ng depresyon at anxiety. Ngunit ayon sa bagong pag-aaral, ang matagal na oras na ginugugol ng mga teenagers sa Facebook, Twitter o Instagram ay walang direktang epekto sa pagkakaroon ng mga mental health issues na ito.
Nakakaapekto nga ba sa mental health ang matagal na paggamit ng social media?
Ayon kay Sarah Coyne, propesor ng family life sa Brigham Young University na nangunguna sa bagong pag-aaral na inilathala sa “Computers in Human Behavior,” walong taon nilang pinag-aralan ang koneksyon ng paggamit ng social media sa depresyon at anxiety sa mga kabataan.
“If they increased their social media time, would it make them more depressed? Also, if they decreased their social media time, were they less depressed?” Ito ay ilan sa mga tanong na nais sagutin ni Coyne sa ginawang pag-aaral.
“The answer is no. We found that time spent on social media was not what was impacting anxiety or depression,” paliwanag nito.
Ang mental health ay isang uri ng “multi-process syndrome,” kaya walang anumang stressor ang maaaring maging sanhi ng depresyon o anxiety. Ang isinagawang pag-aaral ay pinapatunayan lamang na kahit gaano katagal gumamit ng social media ang isang teenager, hindi ito nakakaapekto upang magkaroon siya ng mga naturang mood disorders.
“It’s not just the amount of time that is important for most kids. For example, two teenagers could use social media for exactly the same amount of time but may have vastly different outcomes as a result of the way they are using it,” dagdag pa ni Coyne.
Gaano katagal gumagamit ng social media ang mga kabataan?
Gayunpaman, hindi pa rin maganda na madalas gumagamit ng social media ang isang bata. Ayon sa ilang pananaliksik, tumaas ng 62.5 porsyento ang oras ng paggamit ng mga kabataan ng social media mula noong 2002. Noong nakaraang taon lamang, 2.6 na oras kada araw ang nadagdag sa haba ng oras na ginugugol ng mga teenagers sa social media.
Ayon kay Coyne, mas maganda kung maging active user ang isang teenager sa paggamit ng social media kesa maging passive user. Imbes na mag-scroll lamang ng mag-scroll, mas maganda kung mag-co-comment post at like rin ang mga ito.
Kailangan ding limitahan ang paggamit ng social media isang oras bago matulog. Ang pagkakaroon ng sapat na haba ng tulog ay isa sa mga nakakatulong upang magkaroon ng malusog na kaisipan.