Matapos ang mahigit isang taon, muling nagtagpo ang landas ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto.
Aksidente ang naging pagkikita ng mag-ama sa isang gusali nang magkasabay na kinuhanan ng shoot para sa promo ng kanyang pelikula si Dennis habang sa kabila naman ang workshop nina Julia para sa bagong movie nila ni Marco Gumabao.
Ayon kay Dennis, napaluha siya sa kanilang pagkikita ng anak dahil namimiss na niya na makasama ito.
Ikinatuwa rin ni Dennis dahil nagpakuha si Julia ng video para ipromote ang kanyang pelikula na entry ng Metro Manila Film Festival 2020.
Napag-alaman na mahigit isang taon nang hindi nakasama nang personal ni Dennis ang kanyang mga anak kay Marjorie Barretto dahil sa kawalan ng panahon bagama’t nagpapadala naman siya ng mensahe sa mga ito.