“OUCH ang sakit,” yan ang naging sagot ni actress Liza Soberano sa isang anti-fan na sinabihan siyang boba.
Matatandaan na isa si Liza sa mga kilalang personalidad na kumewestiyon sa pagbibigay ng absolute pardon ng pangulo sa isang Amerikanong sundalo na si Joseph Scott Pemberton na pumatay ng isang transgender.
Sa tweet ni Liza sa twitter, kinuwestiyon niya kung patas bang pinatay si Jennifer Laude dahil sa sexual orientation nito.
Kaugnay ito sa pahayag ni Pangulong Duterte na hindi naging patas ang pagtrato sa dayuhang sundalo.
Samantala, maraming bumatikos sa aktres sa pagkuwestiyon nito at sinabihang boba at walang alam sa batas.
Blackpink, mapapanood na sa Netflix
HEADS-UP Kpop fans dahil bibida ang famous Kpop girlgroup na Blackpink sa Netflix!
Bakit nga ba? Inanunsyo kasi ng Netflix na sa darating na October 14 ay ipapakita nito ang group documentary ng Blackpink.
Nakapaloob aniya dito ang mga exclusive interview at mga never-before-seen na footages ng Blackpink noong trainees palang ang mga ito.
Pinamagatan namang “Blackpink:Light Up The Sky” ang nasabing documentary streaming sa Netflix.
Ang Blackpink ay binuo ng apat na gorgeous girls na sila Jisoo, Lisa, Jennie at Rose.
Diana Rigg, pumanaw na sa edad na 82
PUMANAW na ang beteranang British actress at award-winning na si Diana Rigg sa edad na 82-anyos.
Matatandaan na kabilang sa original cast si Diana ng “The Avengers” TV series at sa “Game of Thrones.”
Gumanap din ang aktres bilang asawa ni James Bond sa palabas na “On Her Majesty’s Secret Service”.
Samantala, nanghingi naman ng privacy ang pamilya ni Diana mula sa mga fans nito.
Gayunpaman, nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kasamahan nito sa industriya sa naiwan niyang pamilya maging ang mga fans nito.